April 1, 2017, a newly Graduated student named Christian Jeanoe Lopez from Jose Rizal University went viral upon posting his photo wearing a Graduation Gown. In his facebook post, he narrated all of his struggles that he have been through back when was still studying. The post immediately went viral within just a couple of hours with almost 58 thousand Likes, 6 thousand Comments, and 10 thousand Shares.
READ HIS FULL FACEBOOK POST BELOW:
Nangutang💰
Nagbayad💸
Naka Graduate!!! 🎓
Oo di ko kinakahiya yan. Ako yung laging naka pila sa registrar dahil sa promissory note tuwing bayaran ng tuition. Ako yung sa loob ng 9 na sem (4yrs) eh isang beses lang makaranas ng full payment. Ako yung nakaranas na hindi makapag test dahil hindi pa bayad, ako yung nakaranas na mangutang sa kamag anak, kaibigan, classmate, kapit bahay pati sa 5/6 at ultimo sa bumbay.
Lahat na ata ng hirap naranasan ko na sa maagang edad lalo na nung mawala si Mama. Halos kame lang ng ate ko lahat ang gumagawa ng paraan. Utang dito, utang doon. Pero di ako pwede maging mahina. Walang mangyayari kung puro hiya at takot ang paiiralin mo. May times, na gagawa ka ng medio di maganda para lang maitawid ang araw araw. Nag business ako. Kung ano ano tinitinda basta uso. Kahit malayo byahe ako para makabenta. Mainit, mausok, traffic tapos demanding pa minsan ang mga customer. Minsan pag iintayin ka pa ng matagal sa kakarampot mong kikitain kailangan maging matiyaga ka at makapal ang mukha. Oo, may tatay ako na ofw pero di ibig sabihin non eh maganda ang buhay namin. Lalo na nung nagkaroon ng crisis sa saudi. 6 months walang padala si papa at nabuhay kame ng ate ko sa kaka utang at gawa ng kung ano anong paraan. Imagine 16 yrs old nangungutang ng 20-30k. Ewan kung san galing lakas ng loob ko non at kapal ng mukha 😂
May time na di talaga ako pumapasok kase walang wala talaga. Yung tipong pag gising ko tulala tapos isip ng isip. May oras pa na binibigyan ako ng classmate ko ng pera para lang may pangkain ako. Pero madalas, di talaga ko nakakapag exam dahil mahigpit ang school sa policy na "No permit No Exam" pag ganyan lahat na ng pwede utangan i memessage ko na kase pwede ako bumagsak once na hindi talaga ko makahabol sa exam. Nakakahiya na minsan kailangan mo pa lumabas ng room na kusa para di kana tawagin at tanungin kung nasan ang resibo mo. Swerte na lang pag pwede pakiusapan ang prof. Minsan napapaisip din ako. Pano kung kung may magulang ako na katulong at gagabay na gagawa ng paraan sa mga problema namin?
May times talaga na meron at walang wala, pag meron nandyan na yan edi gamitin mo kesa mawala pa! Tsaka nag bubuy and sell po ako ng gadgets. naisasanla ko din po to sa mga oras na sagad na talaga. Sa mga sapatos, installment lang lahat yon! Pwede naman bayaran paunti unti kapag nakakaluwag.
Sabi nga, kung good payer at madali ka kausap, makakaulit ka. Eto yon! Tuwing magpapadala si papa lahat ng pera kung hindi sa school, halos pambayad lang talaga ng utang. Kahit paunti-unti nakakabayad kahit pano. Hanggang sa halos mabayaran namin lahat ng utang. Yun yon bes!!! Pag may mga classmate ako na nagyayaya na gala, chill, gimik. Tiis muna! Kailangan muna magbayad.
Ngayon ay graduation day na. Sobrang saya ko at alam ko ganun din si Papa, si ate at lalo na si mama. Kaso sayang, wala si mama, di ko siya makakasama sa lahat. Lahat ng kapal ng mukha, tibay ng loob, at pagpupursigi ko ay para sa inyo. Lalo na sayo pa! Ikaw lahat to. Ikaw lahat ang dahilan kung baket aapak nako sa stage. I love you and thank you for everything. Nawala man si mama, Di ka sumuko, Di mo kame pinabayaan at di ka nawalan ng pag asa. Naalala mo non pa? Ayoko na talaga mag aral kase ayoko na bumalik kapa dyan sa saudi kaso sabi mo kailangan magkapagtapos muna kame ni ate. Pa sa lahat ng sakripisyo mo samen, kailangan mo naman maging masaya, marelax at yung tipong walang iniintindi. Promise! Ako naman ang babawi!!!
Sa lahat ng tumulong samen, MARAMING SALAMAT PO! Nabayaran man po namin yung mga napahiram niyo, yung utang na loob po ay habang buhay kong tatanawin sa inyo. AT SYEMPRE KAY LORD GOD ☝🏼Thank you G!
Hindi man ako Cum Laude, di man ako honorable student at wala man ako matatanggap na kahit ano tulad nung mga nag viviral sa fb, masaya ako ishare yung kwento ko lalo na sa mga kagaya ko na kapos di lang financially, pero pati sa gabay ng isang tunay na magulang. Sana kahit pano mainspired ko kayo na kahit may kulang man sa pamilya niyo, tuloy niyo lang! Kase ikaw at ikaw pa din ang gagawa ng kinabukasan mo.
Kaya sa mga studyante dyan na nangangarap at may plano sa buhay, walang susuko dahil madaming paraan!!!
AT SA MGA MAY UTANG, BES MAGBAYAD KA NAMAN PARA MAKAULIT KA!!! WAG KANG FEELING MAY AMNESIA!!! 👊🏼💪🏼👉🏼
SA MGA NAG PAPAUTANG, KUDOS SA INYONG LAHAT 😂😂😂
Losa, Christian Jeanoe Lopez
BSHRM Major in Cruise Management.
Jose Rizal University
Sy:2016-2017
It is indeed true that whatever kind of problem that you may have to encounter in your life. If you just believe in yourself combined it with determination and faith in God there is no way that you couldn't succeed.