Ang balakubak ay isang uri ng kalagayan kung saan ang balat na nasa ating anit ay nagbabalat o natutuklap,Tandaan lamang na ang balakubak ay hindi isang sakit na nakakahawa na dapat nating katakutan. Ang mga kadalasang nagkakaroon ng balakubak ay ang mga kabataang, particular dito ang nagdadalaga at mga nagbibinata.
Dito ay ituturo ko sainyo ang mga paraan kung papaano maiiwasan ang pagkakaroon ng balakubak at kung ano ang mga pwedeng gawin kung ikaw ay nagtataglay ng ganitong Kondisyon. Kung ikaw ay may balakubak ito ang mga natural at mabisang paraan kung paano ito aalisin.
KALAMANSI
Maghanda ng 4 hanggang limang piraso ng kalamansi hatiin ito sa gitna at dahan dahang ikuskos sa anit. Wag masyadong idiin ang pagkuskus sapagkat sensitibo ang ating anit at maaring masugat ang inyong ulo. Ang asido na nasa kalamansi ay tutulong na mabalanse ang pH level sa anit mo, at pinapatay din nito ang mga mikrobyo na sanhi ng pagdami ng balakubak.
Apple Cider Vinegar
Maraming kagamitang ang Apple Cider Vinegar at isa din itong mabisang kagamutan sa balakubak. Kumuha ng kapirasong bulak lagyan ito ng sapat na dami ng apple cider at katulad ng kalamansi dahan dahan ito ikuskos sa inyong anit upang maiwasan ang pagkasukat ng inyong ulo at hayaan ito sa loob ng isang oras. Gumamit ng shampoo para hugasan ang inyong buhod.
Mouthwash
Ang mouthwash ay hindi lamang mabisang pantangal ng mabahong hininga maari mo ring gamitin ito upang matangal ag inyong balakubak. Gamitin ito kung ang kaso ng inyong balakubak ay malalana. Hugasan ang inyong buhok gamit ang shampoo pagkatapos nito ay gamitin ang mouthwash upang banlawan ang inyong buhok. Gumamit ng conditioner pagkatapos maligo. Ang mouthwawsh ay may sangkap na pumapatay sa fungus at hahadlang sa pagdami ng yeast na sanhi ng balakubak.
Langis ng Niyog
Bago maligo imasahe ang tatlo o hanggang limang kutsara ng langis ng niyog sa inyong anit gamit ang bulak ay dahang dahang ikuskos ito sa anit upang maiwasan ang pagkasugat ng inyong ulo at hayaan ito sa loob ng isang oras. Ang langis ng niyog ay nakatutulong rin upang mapakintab ang inyong buhok. Pagkalipas ng isang oras ay gumamit ng shampoo upang hugasan ang inyong buhod.
Aloe Vera
Ang aloe vera ay isa sa mga epektibong lunas. Kumuha ng dahon ng aloe vera, kunin ang gulaman sa loob ng dahon at imasahe ng maayos sa anit at buhok. Ang nakapagpapalamig na sangkap ng aloe vera ay tutulong para maibsan ang kati. Ang aloe vera ay nakapagpapakapal din ng buhok. Kung ako sa’yo, magtatanim ako ng aloe vera kahit sa mga paso o lata lang. Marami ang nagagamot ng halamang ito!
SOURCE: MAGANDA AKO